381

Aug 21, 2021 @ 14:42
By

Gerald nagmakaawa kay Bea: Forgive me

Dalawang taon matapos mag-trending ang hiwalayan nila, nasambit na ni Gerald Anderson ang pangalan ng ex-girlfriend na si Bea Alonzo.

Sa isang virtual interview ni Boy Abunda, tinanong si Gerald kung gusto nitong ayusin ang gusot kay Bea.

“Sana. Kung puwede ko baguhin ‘yung nangyari. Kaso ang hirap. It’s done. I’ve made mistakes. We both made mistakes,” saad ng aktor.

Tinanong din sa kanya kung balang araw ay magre-reach out ito kay Bea at sa bagong boyfriend na si Dominic Roque.

“More siguro kay Bea,” sagot ni Gerald.

“Huwag na po tayo siguro mandamay ng ibang tao but I really pray sana, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Nagho-hope lang po ako,” dagdag niya.

Matatandaang naging maingay ang break-up nina Gerald at Bea noong 2019 dahil sa umano’y pagtataksil ng una, kung saan lumutang na may namamagitan sa kanila ni Julia Barretto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?