180

Jan 10, 2022 @ 11:45
By

Gerald may pa-Rolex kay Julia

Bongga ang Christmas gift ni Gerald Anderson sa nobya na si Julia Barretto matapos niya itong regaluhan ng isang Rolex na relo.

Ang pagbigay ni Gerald ng naturang regalo ay nakita sa vlog ng ina ni Julia na si Marjorie na ipinalabas nitong Linggo.

Laking gulat ni Julia nang makita ang mamahaling regalo ng boyfriend, at napayakap ito agad ng makita niya ang Rolex. Agad niya din itong isinuot.

Ito umano ang unang Rolex watch ni Julia.

Nakapiling ni Gerald ang pamilya ng aktres noong pasko.

Bukod kay Gerald, lubos ding pinasalamatan ni Julia ang ina na si Marjorie.

“You’re still life’s greatest gift of all — my best friend, my number one, my home. I will forever find comfort in your arms,” saad sa mensahe ni Julia. “Even when I’m 75, I will still need you most. I love you more than you can ever imagine.” (MJD)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?