1,230

By

Gerald-Julia nagtaksil kay Bea?

Maraming espekulasyon ang naglutangan sa social media matapos mag-post ng makahulugan ang aktres na si Bea Alonzo noong Linggo.

Nag-post si Bea ng black photo sa kaniyang Instagram account na nilagyan niya ng caption na: “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice” ENOUGH.

May post din siya kung saan sinabi ni Bea na natutunan niya na kapag ginawa na ng isang beses ng isang tao, gagawin niya ulit ito.

Kaya may katotohanan kaya ang chikang hiwalay na raw sina Bea at Gerald dahil kay Julia?

Agad namang in-assume ng ilang netizens na para kay Gerald ang mga post ng aktres.

Nito lang nag-viral ang umano’y larawan nina Julia Barretto at Gerald na magkasama sa 30th birthday party ni Rayver Cruz.

Trending din ang mga pangalang “Julia” at “Gerald” sa Twitter matapos ang post ni Bea.

Hinala tuloy ng mga netizen, si Julia ang dahilan ng break-up nina Bea at Gerald.

Si Julia at Gerald ay nagtambal sa pelikulang “Between Maybes”.

Kamakailan lang din nang maghiwalay sina Julia at Joshua Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?