3,619

Jul 25, 2019 @ 12:19

Gerald, Julia nagsama sa hotel? Marjorie Barretto dumepensa

Naglabas ng ebidensya si Marjorie Barretto, ang ina ni Julia, para kontrahin ang kumalat na picture kung saan makikitang nag-check in sa magkaparehong araw sina Gerald at ang kanyang anak sa iisang hotel.

Sa Instagram, pinagtanggol ni Marjorie si Julia na pinapakitang nasa iisang hotel sina Julia at Gerald para sa taping ng kanilang pelikula na ‘Between Maybes’.

“April 12, 2019: Between Maybes shooting in Subic. Location: Sagara Villas. Each actor provided one room each as standby area with personal assistants, glam team, and production staff coming in and out of their respective rooms,” ayon sa post ni Marjorie.

Naging magkatambal sina Julia at Gerald sa nasabing pelikula na pinalabas noong Mayo.

Nahaharap sa kontrobersiya ang dalawa matapos mag-trending ang photo na naghalikan umano sina Julia at Gerald sa birthday celebration ng actor na si Rayver Cruz. (RP)

View this post on Instagram

Let’s stick to the facts. Please swipe.

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?