100

Mar 5, 2021 @ 19:19
By

Gerald inaming toxic ang relasyon kay Bea, very happy kay Julia

Nagsalita na si actor Gerald Anderson tungkol sa kontrobersiyal na break-up nila ni Bea Alonzo noong 2019.

Sa one-on-one interview ni Boy Abunda na inilabas nitong Biyernes, itinanggi niya ang panggo-ghosting sa aktres.

Magugunitang inakusahan ni Bea si Gerald ng panggo-ghosting matapos bigla na lamang hindi mag-reply sa mga chat niya.

Inamin ni Gerald na naging toxic na ang relasyon nila ni Bea.

“Ano po ba ang definition ng ghosting?” ani Gerald.

“Kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner and nag-decide ako na mag-walkout and ‘di magpapakita kahit kailan,” sambit ng aktor.

“’Yun ba ang definition or is it walking away from a very unhealthy, toxic — not saying na siya ‘yung toxic, ako ‘yung toxic — but being together we were very toxic, and hindi nirerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap after months and months and months and months of being on the rocks at medyo away. I mean ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that,” patuloy niya.

Diretsahan niyang sinabing hindi niya ghinost si Bea.

“Wala po akong ghinost,” giit niya.

Tingin din niya ay wala na silang dapat pang pag-usapan ni Bea.

Sa ngayon ay very happy daw si Gerald dahil kay Julia Barretto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?