131

Dec 25, 2017 @ 17:41
By

Gerald at Bea buking na magkasama sa US

Ang singer na si Bugoy Drilon ang nagbuking na magkasama sina Gerald Anderson at Bea Alonzo na pumunta sa US para sa kanilang holiday season.

Bago pa kasi ang Pasko, ang sagot ni Ge sa mga panayam ay kasama niya ang kanyang pamilya na magbabakasyon sa Amerika, pero never niyang binanggit na kasama sa entourage ang ‘dyowa’ niyang si Bea.

Pero, sa IG post na ni Bugoy, buking na kasama si Bea dahil nasa same flight sina Ge, Bea at Drilon.

At mukhang enjoy naman sila na magpakuha sa singer dahil magkatabi pa sila, pero halatang parang ilang si Bea dahil hindi man lang ito sweet kay Ge.

Anyway, dahil winter ngayon sa States, lumarga na naman ang imahinasyon ng mga netizens.

Hay naku, ayaw kong patulan baka ma-bash ako. Ha-ha-ha! Chos!

Ang importante ay masaya ang dalawa sa malamig na parte ng mundo na ‘yun at alam naman nilang may career silang babalikan dito sa Pinas, huh!

Wala na lang basagan ng trip. ‘Yun na!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?