16

Aug 12, 2020 @ 16:13
By

Gerald ayaw pag-usapan si Julia

Kung may choice lang si Gerald Anderson, ika-cancel niya hindi lang ang taong 2020 kundi ang 2019.

Matatandaang ang 2019 ang taon kung kailan umugong ang chismisan ukol sa umano’y panggo-ghost niya sa ex-girlfriend na si Bea Alonzo at pagiging malapit sa “Between Maybes” co-actor na si Julia Barretto.

“’Yung lockdown ko kasi nag-start ng 2019. More on personal (reason),” sabi ng aktor sa isang teleconference para sa palabas na “Hook-Up,” Martes.

“Pag naiisip mo lang ‘yung nangyari sa Lebanon, naiisip mo pa, Ano pang pwedeng mangyari sa 2020?… ‘Yung 2020 talagang cancel ko talaga ‘to… saka 2019!,” sey niya pa.

Nang hilingin naman ng mga reporter na linawin na ni Gerald ang ugnayan nila ni Julia, tugon ng aktor:

“Unang una, ayaw ko po pag-usapan ang isang taong wala namang connection sa ginagawa natin ngayon. Respeto na rin po siguro sa kanila. At labas po tayo d’yan.”

“I want to stay silent. Ganu’n po talaga ‘yung kalakaran. I mind my own business at sana, ipapayo ko rin ‘yun sa ibang tao,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?