489
Gerald Anderson: Wala ako dito ngayon kung hindi dahil kay Kim
By

Gerald Anderson: Wala ako dito ngayon kung hindi dahil kay Kim

Nagbigay reaksyon si Gerald Anderson sa episode ng It’s Showtime na naging maugong sa social media kung saan ay inaasar siya sa kaniyang dating kapareha na si Kim Chiu.

“Nakakatuwa lang, kasi wala ako dito ngayon, if not for her—to have that kind of dynamics pa rin, you know it’s nice,” ani Gerald.

Matapos umano ang nasabing asaran ay nagkaroon sila ng saglit na pag-uusap.

“Just to greet her a belated happy birthday. May small talk ng konti. We were talking about yung nangyari sa stage,” kwento ng aktor nang mag-guest ito sa Tonight With Boy Abunda.

Marami ang naaliw sa naturang episode at mga KimErald fans na kinilig pa rin dahil anila, may chemistry pa rin ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?