270

Oct 16, 2017 @ 15:12

Gerald Anderson at Bea Alonzo, super-‘Babe Time’ sa Barcelona

Stressed si Gerald Anderson sa backstage ng BARGN event sa SM Fairview habang katsikahan namin noong Saturday. Ang tindi kasi ng traffic sa lugar na ‘yon at 9:00pm ang flight niya pa-Barcelona, Spain. Kinakabahan si Gerald na baka ma-late siya sa kanyang flight.

Kuwento pa naman ng kasama niya sa event na ‘yon na si Ruffa Gutierrez, inabot ito ng 3 ½ hours from Parañaque City to SM Fairview.

Sabi naman namin kay Gerald, okey lang ang nararamdaman niyang stress dahil pagdating naman niya sa Barcelona ay ‘happy heart’ na siya dahil makakasama niya ang lovey-dovey niyang si Bea Alonzo. Natawa lang si Gerald sa sinabi namin.

Si Gerald din ang nagkuwento sa amin na from Paris, France ay nag-train lang si Bea pa-Barcelona.

“Actually, nandoon na ang mga gamit ko, pinauna na kahapon. Kasabay ni Piolo (Pascual, kasama rin nila sa show sa Barcelona),” sey ni Gerald.

Ang nakakaloka pala, umalis ng Saturday ng gabi si Gerald, diretso na siya sa show ng TFC (The Filipino Channel) ng Sunday at pahinga lang at Monday ang flight niya pabalik ng ‘Pinas.

“Pero gabi pa naman ng Monday ang flight ko, kaya makakapamasyal pa kami (‘KAMI’ meaning sila ni Bea),” sabi ng binata.

Nag-suggest kami na puntahan nila ni Bea ang simbahang Sagrada Familia (isa sa mga ipinakitang location sa pelikulang Barcelona nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) dahil first time pala niya na magba-Barcelona.

Makakabalik nga pala ng bansa bukas si Gerald at sa Wednesday raw ay taping na naman siya para sa Ikaw Lang Ang Iibigin morning series nila ni Kim Chui sa ABS-CBN.

Sabi ni Gerald, hanggang next year pa raw ang morning series nila ng dating kasintahan.

Willie Revillame, iniwan agad-agad ng beauty queen na si Nelda Ibe

Sa nasabi pa ring event, nakatsikahan namin ang beauty queen turned TV host na si Ariella Arida. Isa si Ariella sa co-hosts ni Willie Revillame sa Wowowin.

“Hahabol nga ako sa taping namin. Pinayagan lang ako mag-absent ngayon ni Kuya Wil,” sey ni Ariella.

Inusisa namin si Ariella tungkol sa pagli-link kay Willie sa bago nilang co-host sa show, si Binibining Pilipinas-Globe 2017 na si Nelda Ibe dahil marami nga raw kinikilig kapag tinutukso ang dalawa.

Napangiti lang si Ariella at ikinuwentong nagpaalam na muna sa Wowowin si Nelda. Walang kinalaman sa pagli-link sa kanya kay Willie ang pagpapaalam ni Nelda sa Wowowin.

Sabi ni Ariella, kinailangang mag-leave na si Nelda sa show dahil lalaban na ito sa Miss Globe ngayong November 3 sa Tirana, Albania.

“Kailangan pa kasi niyang mag-training. In less than a month time kasi, magko-compete na siya sa Miss Globe, kaya nagpaalam na muna siya sa co-hosting job niya sa Wowowin,” sey ni Ariella.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?