51
George, Westbrook parehong inoperahan
May 8, 2019 @ 14:36
By ,

George, Westbrook parehong inoperahan

Inanunsyo ng Oklahoma City Thunder nitong Martes (Miyerkoles sa Pilipinas) na sumailalim sa isang rotator cuff surgery si Paul George para ayusin ang kanyang partially torn tendon sa kanyang kanang balikat.

Ayon sa balitang inilabas ni Adrian Wojnarowski at Royce Young ng ESPN, mukhang hindi na makakasama ang All-Star player sa gagawing pre-season training camp.

Bukod kay George, na sasailalim din sa isa pang procedure para ayusin ang small tear sa labrum ng kanyang kaliwang balikat, sumailalim din sa isang surgery para naman sa kanyang torn ligament sa kanyang daliri sa kaliwang kamay si Russell Westbrook.

Bago pa man uminda ng injury si George nitong Pebrero, isa na siya sa mga frontrunner para maging MVP at Defensive Player of the Year at inaasahan na makaka-recover agad ito pero hindi pa sigurado ng tropa kung kailan ito habang si Westbrook naman ay tinapos ang season na may injury sa kanyang kamay.

Ayon pa sa sources, naglaro ang dalawa sa huling linggo ng Thunder sa season na ‘to na may iniindang injury bago tuluyang mapayuko ng Portland Trail Blazers sa unang round ng Western Conference playoffs.

Unang ininida ni George ang injury sa kanyang kanang balikat kontra Denver Nuggets nitong Pebrero pero sa mga interview nito ay inamin nito na may dalawang linggo niya na iniinda ito.

Hindi naglaro ng tatlong laro si George at pagbalik nito ay nasaktan naman nito ang kanyang kaliwang balikat pero hindi pa rin huminto sa paglalaro at saka na lamang inasikaso ang injury matapos ang season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?