25

By

George kakalas sa Thunder?

Sharing is caring!

NAGPASABI na raw si Paul George sa Oklahoma City Thunder na bibitaw siya sa final year ng kanyang kontrata para maging unrestricted free agent na, ayon sa ulat ng ESPN.

May hanggang 11:59 pm ng Biyernes si Paul para pormal na tablahin ang opt-in at at $20.7 million salary na nakapaloob sa 2018-19 season.

Pero nilinaw ng report na interesado pa rin si George na bumalik sa Thunder mula free agency, kailangan lang magnegosasyon ng bagong kontrata.

Puwede siyang pumirma ng five-year, $176 million contract extension sa Oklahoma City.

Ilan sa mga lumalabas na teams na gustong makuha si George ang Los Angeles Lakers, Philadelphia 76ers at Houston Rockets.

Pinamigay ng Indiana si George sa Thunder noong isang taon, at nagkagamayan agad sila ni Russell Westbrook. Sa nakalipas na season, nag-average si George ng 21.9 points, 5.7 rebounds at 3.3 assists.

Sina George at LeBron James ang focus ng Lakers na ma-recruit mula free agency ngayong summer. Tinatrabaho rin ng Lakers na makuha si Kawhi Leonard mula trade sa San Antonio. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?