18

Dec 28, 2020 @ 22:34
By

George inako kahihiyan ng Clippers

Inako ni All-Star guard Paul George ang responsibilidad sa 51-point loss ng Los Angeles Clippers kontra Dallas Mavericks, 124-73, sa 75th NBA 2020-21 regular season season game Linggo ng gabi sa Staples Arena.

Si Slovenian Luka Doncic ang bumira sa LAC sa pagtimon sa Mavs sa 24 markers.

Unang quarter palang, baon na ang host team sa visiting squad nang maiwan sa 36-13.

“I take full responsibility,” giit ni George, na nagtala ng 15 points, four assist at two rebounds.

Paliwanag pa niya, “You know, it’s a tough game coming [after] Christmas. I enjoyed my Christmas Day [celebration] yesterday. Today just popped up on me a little too fast. I’ll take full ownership for that, coming out and being prepared to play today. Be a different situation come next game, and we will be ready.”

Hindi sumalang sa laban sina stalwarts Kawhi Leonard (mouth laceration) at Marcus Morris (knee). (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?