29

Mar 11, 2020 @ 18:24
By

George gustong itumba si LeBron, Lakers sa playoffs

Maganda para kay Paul George kung magtapat sa playoffs ang Clippers at Lakers.

May patikim na ng matchup noong Linggo, tinalo ng Lakers ang Clippers 112-103.

Nagkaroon ng preview kung paano ang laro ng dalawang teams ng Los Angeles na kumpleto ang pares ng kani-kanilang superstars – sina LeBron James at Anthony Davis sa Lakers, George at Kawhi Leonard sa Clippers.

Sa 49-13, nakalimlim sa tuktok ng Western Conference ang Lakers, 6 ½ games sa unahan ng sumesegundang Clippers (43-20).

Hindi malayong magkrus ang landas nila sa playoffs.

“It’s what you want, you want to play the best,” ani George, ayon kay Farbod Esnaashari ng Forbes.com.

Sa larong ‘yun, nagsumite ng 31 points, 6 rebounds at 3 steals si George. Disenteng 27 points si Leonard, pero may 2 rebounds lang at sa unang pagkakataon ngayong season ay hindi naglista ng kahit isang assist.

Napuwersa sa 15 turnovers ang Clippers, mas marami pa ng tatlo sa kanilang total assists. Apat na dimes lang ang binigay nila sa second half.

Sa kabila, may 30 points, 8 rebounds at 2 steals si Davis, all-around na 28 points, 7 rebounds at 9 assists si James. Umayuda ng 24 points si Avery Bradley, at umapos ng 22 assists ang Lakers.

Magandang abangan sa postseason ang pagtatagpo ng dalawang best sa West.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?