102

Dec 15, 2017 @ 11:49

George Clooney namigay ng $1M each sa kanyang 14 friends

Ibang klaseng magmahal itong Hollywood actor na si George Clooney sa kanyang mga kaibigan dahil namudmod lang naman siya ng pera, hindi barya ha, kundi $1 million lang naman bawat isa.

Sa kwento ni Rande Gerber, isang negosyante at matagal nang kaibigan ng aktor, inimbitahan siya at 13 iba pang malapit niyang kaibigan sa isang dinner sa kanyang bahay kung saan binigyan sila $1 million bawat isa.

Hindi lang yan, binayaran din ni Clooney ang kanilang mga buwis sa isang taon.

“There’s a group of guys that we call ‘The Boys.’ George had called me and ‘The Boys’ and said, ‘Hey, mark September 27, 2013 on your calendar.

Everyone’s going to come to my house for dinner,” ayon kay Gerber.

Pagdating nila sa bahay ni Clooney, nakita nila ang isang black designer luggage bags na nakapatang sa mesa at nang pabuksan sa kanila, puno puno ito ng pera.

“George begins to say, ‘Listen, I want you guys to know how much you’ve meant to me and how much you mean to me in my life,” mensahe 55-year-old na aktor sa kanyang mga piling kaibigan.

“‘I came to L.A., I slept on your couch. I’m so fortunate in my life to have all of you and I couldn’t be where I am today without all of you. So, it was really important to me that while we’re still all here together, that I give back. So I want you all to open your suitcases.’”

Sabi ni Gerber, hindi umano sila nakapagsalita nang tumambad sa harap nila ang luggage na may lamang isang milyong dolyar.

“Every one of us – 14 of us – got a million dollars. Every single one of us. We’re in shock,” sabi ni Gerber.

“This is who George is. That was September 27th, 2013. Now September 27th, 2014, he marries Amal. Now that’s good karma right there,” sambit pa nito.

Si Clooney ay may dalawang 6-month-old twins sa asawa nitong si Amal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?