13
george-paul
By

George bumuhos ng 8 3-pointers sa pagtusta ng Thunder sa Jazz

Sharing is caring!

Pumukol ng franchise playoff-record na walong 3-pointers si Paul George at nagtala ng 36 points para pangunahan ang Oklahoma City Thunder, 116-108, laban sa bumisitang Utah Jazz sa pagbubukas ng sarili nilang serye ng playoffs.

Tumulong naman ng 29 points, 13 rebounds at 8 assists si Russell Westbrook para sa Thunder, na nakarekober sa malamyang umpisa.

Samantala, sa kabila na iika-ika na sa huling quarter dahil sa namamagang kaliwang paa, nanguna pa rin si rookie Donovan Mitchell para sa Jazz sa pagsalansan ng 27 points at 10 rebounds.

Nakatakda ang Game 2 sa Western Conference first-round series sa Miyerkoles sa Oklahoma City pa rin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?