43

Jan 11, 2022 @ 14:39
By

Geneva Cruz hindi natuwa sa binigay na role

Bumalik na nga sa pag-arte ang singer na si Geneva Cruz matapos ang anim na taon.

Ito ay matapos siyang alukin ng GMA Network bilang kontrabida sa bagong teleserye na “Little Princess” na pinagbibidahan ni Jo Berry.

Sa virtual press conference ng nasabing palabas, nabanggit ni Geneva kung paano ito nakabalik sa pag-arte.

Aniya, dahil sa hirap na rin ng buhay lalo na ngayong may pandemya, napilit siya umano ng kaniyang mga pinsan na bumalik na sa pag-aartista.

“Kasi six years akong nawala and in the past kasi I chose to perform and sing kaysa umarte. ‘Yung pagmamahal ko kasi sa singing ay nasa pag-perform. Pero ang buhay ngayong pandemic, mahirap lalo na sa mga performers like me dahil wala namang mga live performances, ‘di ba, unless it’s online. So I realized din na sa tulong din ng mga pinsan ko like Sunshine and Donna, and si Rodjun, sinabi nila sa sa akin na it would be best na bigyan ko ng chance ‘yung pag-arte ulit,” pahayag ni Geneva.

Dagdag pa niya, nagulat daw siya noong alukin nga siyang maging kontrabida dahil aniya ay malayo ito sa kaniyang totoong pagkatao.

“Sabi nga ng PA ko, ‘Gen, bagay na bagay daw talaga sa ‘yo ‘yung role mo e, ikaw daw talaga.’ Sabi ko, ‘ano bang role ko?’ Sagot niya, ‘Ah, villain ka, kontrabida.’ Sabi ko, teka muna ‘di ko alam kung matutuwa ako diyan!’ I guess in a way, people see me as this very strong woman. Yes, it’s true, I’ve been through hell and back but Odessa Montivano is different from the real Geneva Cruz,” ani Geneva.

“Geneva Cruz is just a dork, I am nerd in real life. Feeling ko komedyante ako,” dagdag pa nito.

Si Geneva ay dating miyembro ng OPM band na Smokey Mountain. Nakilala rin siya sa kaniyang mga awitin tulad ng “Anak Ng Pasig” at “Kailan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?