48

Oct 25, 2017 @ 13:40

Generika-Ayala bumalikwas

Dumaan sa butas ng karayom ang rookie team Iriga City at Generika-Ayala bago kinalos ang mga nakatunggali kagabi sa Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Centre.

Nasagad sa five sets, tinaob ng Lifesavers ang Cocolife 25-11, 23-25, 16-25, 25-13, 15-9 sa second game. Limang sets din ang binuno ng Lady Oragons bago itinaob ang Sta. Lucia 15-25, 25-20, 22-25, 25-16, 15-13 sa unang sultada.

Lubog sa 1-2, pero hindi nabago ang diskarte ng Generika-Ayala kaya nakuha ang dalawang natitirang frames at nakabalikwas mula sa talo sa opening day match.

Sinandalan ng Lifesavers sina reinforcements Katarina Pilepic ng Croatia at Darlene Ramdin ng Trinidad and Tobago sa fifth set.

“Sabi ko sa setter ko ibigay nang ibigay kay Ramdin para makakuha ng puntos,” ani Generika coach Francis Vicente.

Kumayod sina Ramdin at Pilepic ng tig-25 points, bumakas si Chloe Cortez ng nine para sa Lifesavers sa event na suportado ng Cignal, Mikasa, Senoh, Mueller, Grand Sport, Rebisco, Island Rose, Cloudfone, UCPB Gen at Asics. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?