8

By

Gen San ginulantang ng pagsabog, 7 sugatan

Sharing is caring!

Sumabog ang hinihinalang improvised explosive device sa General Santos City sa harap ng isang pharmacy store pasado alas-12 ng tanghali nitong Linggo, Setyembre 16.

Pito ang naiulat na nasugatan sa nasabing insidente, dinala ang mga ito sa St. Elizabeth Hospital sa lungsod.

Batay sa mga nakasaksi na biniberipika pa ng pulisya, dalawang tao na lulan ng motorsiklo ang nag-iwan ng isang bag sa nasabing lugar.

Kasalukuyan namang nagaganap ang clearing operations sa pinangyarihan ng pambobomba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?