21

Sep 24, 2021 @ 10:58
By

GCQ with heightened restrictions iiral sa Abra, Baguio, Bohol

Isinailalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Abra, Baguio, at Bohol sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula ngayong Biyernes hanggang sa katapusan ng buwan.

Dahil sa ipinatupad na quarantine classification sa naturang mga lugar, papayagang mag-opera ang mga indoor dine-in service na may 20% seating capacity, at outdoor dining services na may 50% capacity.

Bukod dito, pahihintulutan ding magbukas ang mga salon, barbershop, at nail spa na may 30% venue capacity.

Ayon sa ulat ng GMA News, papayagan ding magbukas ang business establishments na may safety seal certifications.

Paglilinaw ni presidential spokesman Harry Roque, hindi pa rin pahihintulutan ang mga pagpupulong at pagdaraos ng events.

Samantala, isinalailalim naman ng pamahalaan ang Ilocos Norte sa GCQ sa kaparehong petsa. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,