17

Jun 15, 2021 @ 9:04
By

GCQ sa NCR extended hanggang June 30

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang general community quarantine (GCQ) status sa National Capital Region at Bulacan na may kaunting paghihigpit.

Sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi, isinapubliko ng Pangulo ang mga bagong quarantine classification para sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Nanatili rin sa GCQ with heightened restrictions ang mga lalawigan ng Laguna, Cavite at Rizal mula June 15 hanggang June 30.

Ang iba pang mga lugar na isinailalim sa GCQ status ay ang Baguio City, Mountain Province, Abra at Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino,Batangas, Quezon, Iligan,Davao del Norte, General Santos, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato, Lanao del Sur at Cotabato City.

Inilagay naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang mga lugar ng Santiago City, Cagayan, Apayao, Ifugao, Bataan , Lucena City, Puerto Princesa, Naga City, Iloilo City at Iloilo province, Negros Oriental ,Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte, Cagayan de Oro, Davao City, Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat islands at Surigao del Sur.

Ang nalalabing mga lugar sa bansa ay inilagay sa modified general community quarantine mula June 16 hanggang June 30, 021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?