62

Sep 7, 2021 @ 19:53
By

GCQ sa Metro Manila binawi ng Palasyo

Naunsiyami ang inaasam na bahagyang pagluluwag matapos ipinagpaliban ng Malacañang ang implementasyon ng General Community Quarantine (GCQ) status with Alert Level System sa Metro Manila.

Sa inilabas na pahayag ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa halip GCQ simula September 8 ay mananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila hanggang September 15, 2021.

“The Inter-Agency Task Force deferred the pilot implementation of the General Community Quarantine (GCQ) with Alert Levels System in the National Capital Region,” ani Roque.

Dahil dito, sinabi ni Roque na mananatiling sarado pa ang al-fresco dine-in services at personal care services kabilang na rito ang parlor, barberya at nail spa.

Hindi pa rin pupuwedeng pumasok sa mga simbahan at iba pang religious activity bagkus ay sa online muna gagawin ang misa at iba pang aktibidad.

“Religious services, on the other hand, performed through online video recording and transmission shall be allowed,” dagdag ni Roque.

Maaari namang iburol ang mga namatay na walang kinalaman sa COVID-19 subalit kinakailangang sundin ang minimum public health standards at patunay ng kanilang relasyon sa namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?