39

Jul 15, 2021 @ 11:11
By

GCQ sa buong Hulyo namumuro sa NCR

Malaki ang tsansang manatili ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla.

“Ayaw ko naman pong pangunahan ang ating Pangulo pero ‘yan po ang makikitang indikasyon,” ayon kay Padilla sa panayam ng ‘Unang Balita’.

Ang GCQ ay tinaas sa Metro Manila at iba pang kalapit na probinsya hanggang July 15.

Wala pang pahayag ang Inter-Agency Task Force (IATF) at Malacañang sa magiging susunod na quarantine status sa Metro Manila.

Sa datos ng OCTA Research, patuloy ang pagbaba ang average ng bagong kaso ng COVID-19 sa NCR, para sa period ng July 6 hanggang July 12 ay dumausdos ito ng 2 percent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,