31

Jun 15, 2020 @ 9:50
By

GCQ sa Bohol hanggang June 30 na

Pinalawig hanggang Hunyo 30 ang general community quarantine sa lalawigan ng Bohol.

Nakasaad ito sa Executive Order No. 31 na pinirmahan ni Governor Arthur Yap sa Araw ng Kalayaan 2020.

Sa ilalim ng kautusan, sinasabing in-extend ang GCQ sa Bohol mula hatinggabi ng Hunyo 16 hanggang 11:59 ng gabi ng Hunyo 30.

Ibig sabihin, tuloy pa rin ang mga paghihigpit gaya ng “province-wide curfew and home quarantine, partial liquor ban, mandatory use of face masks, regulated operation of business establishments, the imposition of one-household-one-pass policy, while at the same time, reopened businesses will continue operating under the new normal in line with national standards.”

Samantala, papayagan na ni Yap ang gradual reopening ng food industry hanggang 30% capacity at dapat alinsunod sa social distancing protocol.

“Establishments must obtain the required clearance from their respective City/Municipal Mayors to be allowed dine-in operations on a thirty percent (30 percent) capacity after showing compliance with the minimum health standards and guidelines imposed by the IATF and DTI,” ayon pa sa EO.

Papayagan na rin ang public gathering at misa pero hanggang 25% seating capacity lang. “Celebration of fiestas shall continue to be held on a personal and private level.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?