29

Sep 8, 2021 @ 11:26
By

GCQ na naging MECQ pa! Netizen imbyerna sa ‘roletang’ desisyon ng pamahalaan

Isang netizen ang nag-alboroto matapos ianunsyo ng Malacañang nitong Martes na ibabalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Sa Facebook post ni Inchang Mendoza, ibinahagi niya ang naging preperasyon ng kanyang samgyup restaurant sa Sta. Cuz, Maynila para sa muli sana nitong pagbubukas.

Una kasing inanunsyo ng Palasyo na iiral ang GCQ sa Metro Manila bago ito bawiin.

“Ung nagpa meeting ka, tapos nagpa general cleaning nadin para nga sana bukas! At bumili na din ng daan daan kilo pork, chicken and beef ending last minute iannounce na na MECQ ulit,” ani Menodza sa kanyang post kung saan makikita ang kanyang mga empleyadong nagpupulong at mga pinamili nilang stock para sa kainan.

“Dear Goverment maawa naman kayo sa mga taong sobrang naapektuhan n nag tratrabaho ng maayos! Sa totoo hindi ako naawa sa sarili ko dahil may pang fallback akong shopee naawa ako sa mga employee ko na hindi na makapag trabaho ng maayos!!!” dagdag pa niya.

Aniya, talagang mahihirapan ang mga small business owners na tulad niya kung magpapatuloy ang ganitong ekesena ng gobyerno.

“Ang gusto ko lang naman bigyan nyo kami ng maayos na plano hindi ang mag trending’ na kesho may nag comment na health worker sa post ko na sana isipin nyo din kami,” saad niya.


“Pano naman ang nga employee na ‘ no work no pay pare parehas lng po tayo nahihirapan. hindi kayang sumurvive ng small business owner ang ganyang eksena ng gobyerno!!! Bigyan nyo kami ng maayos na plano!! Hindi lang physical health naapektuhan samin pati n din mental health!!!”

Inanunsyo ng Palasyo na magatatagal ang MECQ quarantine classification sa Metro Manila hanggang Setyembre 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?