85

Sep 26, 2020 @ 18:10
By

GCash maniningil na ng bank transfer fee

Simula Oktubre 1 ay magpapataw na ang mobile wallet na GCash ng P15 fee kada bank transfer ng kanilang mga user.

Sa pamamagitan ng GCash, maaaring makapagpadala ng pera sa mahigit 40 na bangko.

Maliban sa GCash, nauna nang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno noong Hulyo na maniningil na muli ang mga bangko para sa mga digital transaction sa Oktubre.

Kabilang sa mga bangko ang BDO Unibank Metropolitan Bank and Trust Co., Bank of Philippine Islands, RCBC, China Bank, Philippine National Bank, Bank of Commerce, Robinsons Bank, Philippine Savings Bank, Paymaya, GXI at China Bank Savings.

Samantala, libre pa rin ang GCash-to-GCash transfer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?