167

By

Gazini Ganados umaming takot mag-english

Inamin ni Miss Universe-Philippines Gazini Ganados na nangangamba siya sa magiging speech niya sa Miss Universe pageant gamit ang wikang Ingles.

Sa isang video na inilabas ng Miss Universe sa Twitter, mapapanood ang maikling interview ni Gazini kasama si Miss Universe-Netherlands Sharon Pieksma kung saan ay tinanong ang dalawa kung ano ang kinatatakutan ng mga ito.

Ani Gazini, “Today I woke up at the other side of the bed. There are days that you feel like you’re not doing enough at all.”

“And I’m thinking all about, you know the speech that we’re gonna do and what I’m scared the most is to not be able to share my emotions or my feelings in English language,” dagdag pa niya.

Naibahagi naman ni Miss Netherlands na 11 taon na siyang modelo at hindi siya sanay na i-express ang kaniyang nararamdaman.

“I’ve been modeling for eleven years and I never used to speak out of my feelings. Now I have to speak out my mission like on the final day for Miss Netherlands in the rehearsals I cried, I couldn’t speak up,” saad ni Pieksma.

“I couldn’t speak – I couldn’t explain myself. And now I’m here,” saad pa niya.

Ngayong Lunes ay inaabangan kung maiuuwi ba ni Gazini Ganados ang back to back win ng Miss Universe pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?