351

Dec 9, 2019 @ 10:41
By

Gazini Ganados sa Miss U’s Top 20 lang nakapasok

Hindi na umabante pa sa semifinals ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados sa 68th Miss Universe pageant ngayong Lunes, Disyembre 9, 2019 sa Atlanta, Georgia.

Ang mga pumasok sa Top 10 ay sina:

Miss USA
Miss Colombia
Miss Puerto Rico
Miss South Africa
Miss Peru
Miss Iceland
Miss France
Miss Indonesia
Miss Thailand
Miss Mexico

Hindi nakamit ni Gazini ang back-to-back win matapos magwagi sa 2018 Miss Universe pageant si Catriona Gray.

Bukod kay Catriona, ang ilan pang mga Pinay na nagwagi sa Miss Universe pageant ay sina Pia Wurtzbach (2015), Margarita Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?