36

Feb 14, 2021 @ 9:24
By

Gaya sa China, PH umiwas sa Myanmar resolution ng UN

Humiwalay ang Pilipinas sa isang United Nations Human Rights Council resolution na hinihimok ang pagpapalaya sa pinatalsik na lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi, at sa iba pang opisyal ng nasabing bansa.

Magugunitang sapilitang kinontrol ng militar ang gobyerno ng Myanmar, at dinetene si Suu Kyi at iba pang mga sibilyang politiko.

“The Philippines joined China, Russia, Venezuela and Bolivia in dissociating itself from the HRC consensus that adopted the resolution without calling for a vote,” ayon sa pahayag ng DFA, Pebrero 12.

Ayon sa DFA, kaya ganoon ang hakbang ng ‘Pinas ay dahil sinusuportahan nito ang teritoryal na integridad ng Myanmar.

“As a sovereign country in a world of sovereign states, the Philippines cannot stress strongly enough the primacy of national internal efforts towards democratic reforms, and never by the imposition of foreign solutions whether in regional or multilateral contexts, including through this Council,” banggit ng ahensiya.

“We reaffirm our support of the sovereignty and territorial integrity of Myanmar,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?