26

Jan 8, 2021 @ 15:47
By

Gay sinakal si Davis!

Sumubok ng mixed martial arts move si San Antonio Spurs veteran Rudy Gay sa loob ng hardcourt.

Sa second quarter ng laban ng Spurs kontra LA Lakers, napahiga sina Davis at Gay matapos tawagan ng charging foul ang una.

Dito na biniro ni Gay si AD, at hinawakan ang ulo ng LA superstar para sa headlock.


Klaro naman na biro lang ito para sa dalawa nang tumawa lang si Davis matapos siyang pakawalan ni Gay.

Sa naturang laro, nanalo ang Spurs, 118-109, kung saan top scorer si LaMarcus Aldridge na kumamada ng 28 points at five rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?