209

Oct 14, 2021 @ 20:25
By

GaWong buwag na, mga fan luhaan

Kinumpirma ng volleyball star na si Jema Galanza na break na sila ni Deanna Wong.

Prangkahan na itong sinabi ni Jema sa kanyang #AskJema sa streaming service na Kumu.

“Five months na po ang lumipas, wala na po kami and sinasabi ko lang po ‘to dahil gusto ko lang din pong respetuhin n’yo lang po ‘yung life namin. May kanya-kanya po kaming ginagawa na. May kanya-kanya na pong nagpapasaya sa amin… I mean may kanya-kanya na pong mga bagay na ikakasaya namin,” aniya.

Dahil dito, wasak ang puso ng mga fan ng tambalang GaWong at trending ngayong Huwebes sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?