8

Jan 18, 2021 @ 18:13
By

Gawing vaccinator mga pharmacist, kumadrona aprub sa Palasyo

Suportado ng Malacañang ang mungkahi ng Department of Health (DOH) na isama sa mga magtuturok ng COVID-19 vaccine ang mga pharmacist at kumadrona sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa 50-70 milyong mga Pinoy ang target na mabakunahan ng gobyerno kaya kailangan ang mas maraming bilang ng magtuturok nito.

Ginawang halimbawa ni Roque ang Estados Unidos na kahit mga nursing at dental student ay ikinukunsidera na bilang frontliners para magbakuna ng milyon-milyong mamamayan.

“Tama po iyan dahil alam natin na 50-70 million ang target natin sa taong ito kaya kailangan natin ang lalo pang mas maraming magbibigay ng bakuna,” ani Roque.

Dapat aniyang tularan ng gobyerno ang ginagawa ngayon sa Amerika para mas marami ang mangasiwa sa pagbabakuna sa sandaling masimulan na ang national vaccination program ng pamahalaan.

“Yung dental at nursing student sa Amerika ay kinukunsidera na rin as frontliners for purposes of the vaccination, sa Amerika po iyan, na dapat gawin din natin dito,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?