28

Sep 10, 2021 @ 15:35

Gawing P1 bilyon: Budget ng OVP pinadadagdagan

Agad na tinapos ng House Committee on Appropriations ang deliberasyon ng budget ng Office of the Vice President ngayong Biyernes.

Matapos ipresenta ni Vice President Leni Robredo ang budget ng kanyang tanggapan, nag-mosyon si Pangasinan Rep. Tyrone Agabas na i-terminate na ang deliberasyon nito alinsunod sa parliamentary courtesy tradition na sinusunod ng Kamara de Representantes.

Walang tumutol sa mosyon.

Ayon kay Robredo, humingi ang kanyang tanggapan ng P714.56 milyon para sa 2022. Ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ay P713.41 milyon na mas mababa ng 21% sa budget nito ngayon na P908.79 milyon.

Pinayagan naman ni Northern Samar Rep. Paul Daza, ang presiding officer ng deliberasyon ang mga kongresista na maglahad ng kanilang manipestasyon.

Sinabi nina Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na dapat gawing P1 bilyon ang budget ng OVP.

Sa kabila umano ng maliit na budget nito ay marami itong nagawa upang matulungan ang mga naapektuhan ng pandemya.

Nagpasalamat naman si Kabataan party-list Rep. Sarah Jane Elago kay Robredo dahil isinapubliko nito ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

“Kabataan party-list lauds the OVP’s commitment to transparency and accountability by promoting the people’s right to information and ensuring public access to the VP’s SALN as a matter of obligation,” sabi ni Elago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,