97

May 13, 2018 @ 19:46
By

Gawing drug-free ang barangay sa loob ng 1 taon – Barbers

Hinimok ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang lahat ng kandidato sa barangay council na pumirma sa covenant para gawing drug-free ang kanilang barangay sa loob ng isang taon pag-upo nila sa puwesto.

Ayon kay Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang kampanya kontra iligal na droga ay dapat magsimula sa ibaba at mahalaga ang papel ng bawat opisyal ng barangay para ma-engganyo ang mamamayan na lumahok sa lokal na kampanya laban sa illegal drugs.

“The signing of covenants by all candidates for barangay and Kagawad posts would indicate their earnest desire in helping the government’s anti-drug campaign by ensuring that there are no drug addicts or pushers among their constituents,” paliwanag ni Barbers.

Sinabi ng kongresista na binabalewala ng ilang barangay officials ang problema sa iligal na droga dahil ang ilan sa mga ito ay sangkot sa iligal na aktibidad gaya ng paggamit, pagtutulak, pagiging protektor o nakikinabang sa kalakalan nito.

Ang ganitong klase ng mga opisyal anya ay hindi dapat binihigyan ng pagkakataong gumalaw sa kanya-kanyang lugar.

“It is now imperative that no single drug personality should be given the opportunity by all winning barangay candidates to sneak in and operate in their villages,” sabi ni Barbers.

Dagdag pa ng mambabatas, kailangang tulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa giyera kontra droga para lubusang makamit ang target nito na gawing drug-free ang Pilipinas at matigil ang mga krimen na kadalasang kagagawan ng mga lulong sa droga. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?