18

Feb 20, 2021 @ 21:55
By

Gawang Pinoy, eco-friendly na mga produkto bida sa ‘Alibot PH’

Napagdesisyunan ng tatlong magkakaibigan na magtayo ng negosyo kung saan tampok lamang ay mga gawang Pilipino at mabuti sa kalikasan na mga produkto.

Pinangalanan itong “Alibot PH” na inilunsad noong June 20, 2020.

Ayon sa isa sa may-ari na si Jennifer Lynne Espenida, kinuha nila ang pangalan na “Alibot PH” sa pagsasama sa mga salitang “abubot” at “libot” dahil mahilig daw silang mag-explore sa Pilipinas.

“This shop is our passion project. Aware of the current situation of our planet, all the items we feature are locally sourced and promote sustainability,” ani Espenida sa PNA report.

Ang kauna-unahan daw at pinakaprodukto ng Alibot PH ay ang kanilang “Malindig wind chime” na mula sa Luzon.

Gawa ang wind chime sa mga basura nang liquor bottle at Capiz shell na lumilikha ng nakaka-relax na tunog kapag tinatamaan ng hangin.

Nagkakahalaga lang ito ng P100 bawat isa habang ang mas malaki ay nasa P300 at may anim na kulay – pula, asul, berde, pink, yellow at purple.

Ngayong pandemya ay nagbebenta rin sila ng mga Habi face mask na P120 kada piraso at mga lampara.

Looking for last-minute presents for your loved ones? We’ve got new colorful gift ideas for you!

Follow our page and watch out for our next post for details. 😉

#ChristmaswithAlibot

Posted by Alibot PH on Monday, December 7, 2020

We surely have a #habifacemask for any outfit you own. 👗👖👕🌈

Message us today to know the available designs! 📩

Posted by Alibot PH on Wednesday, August 26, 2020

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?