47

Jul 9, 2019 @ 16:10
By

Gauff iyak, sibak sa Wimbledon

Natapos na ang Wimbledon ride ni Coco Gauff, natuldukan ang run ng 15-year-old teenager nang ibalik sa lupa ni 2018 French Open champion Simona Halep 6-3, 6-3 sa fourth round.

Natatalo sa match si Gauff, pero hindi nawala sa kanyang likuran ang libo-libong nanood sa Court 1 nitong Lunes. Napahanga sila ng youngest qualifier sa All England Club sa professional era at youngest Week 2 participant sapul noong 1991.

Mula nang itumba si Venus Williams sa first round ng kanyang Grand Slam tournament debut, naging bukambibig ang pangalan ni Gauff.

“It was really surprising, because you don’t really expect this kind of support when you’re in another country, not your home country,” anang teenager habang nagpapahid ng luha sa kanyang news conference. “I really did feel like I was probably playing in New York.”

Pampitong match ni Gauff – tatlo sa qualifying, apat sa main draw. Ayaw niyang aminin, pero mukhang pagod na rin ang teenager na hindi pa puwedeng kumuha ng lisensiya para mag-drive.

Sa halip na namamasyal lang siya sa mall o nanonood ng movie, hayun siya sa Wimbledon at nakikipaluan sa mga players na ang iba ay doble na ng kanyang edad. Pero nag-iwan ng impresyon si Gauff sa kanyang serves na umaabot ng 119 mph, backhand na sakto sa loob lang ng line at volleys na mahirap habulin.

Sunod na haharapin ni dating world No. 1 Halep si Zhang Shuai ng China sa quarterfinals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?