2,080

Jan 9, 2022 @ 20:56
By

‘Gates of Hell’ sa Turkmenistan gustong apulahin

Gusto ng apulahin ng presidente ng Turkmenistan ang isang tourist attraction sa naturang bansa na tinaguriang ‘Gates of Hell.’

Ang ‘Gates of Hell,’ na tinatawag ding ‘Door to Hell’, ay isang nagliliyab na crater na ilang dekada nang nag-aapoy.

Makikita ito 160 milya hilaga ng Ashgabat, kabisera ng Turkmenistan.

May lapad itong 190 feet at lalim na 70 feet.

Ito ay naging produkto ng aksidente sa isang gas drilling project ng Soviet Union noong 1971.

Upang mapigilan ang pagkalat ng gas, iminungkahi ng mga geologist na pag-apuyin ang mga gas.

Ang resulta, hanggang ngayon ay nagliliyab pa rin ang crater at naging tourist attraction.

Ngunit ayaw nang makita ng presidente ng Turkmenistan, sayang ang mga nagliliyab na gas na maaari nilang pagkakitaan.

Bukod pa rito, dahil sa patuloy na pagliliyab ay marami itong negatibong epekto sa kapaligiran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?