15

Mar 21, 2021 @ 17:32
By

Gatchalian: Singil sa COVID test gawing abot-kaya

Muling nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na gawing affordable o abot kaya ang testing para sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Gatchalian, mas mainam din na i-promote ng government task force para sa COVID-19 ang paggamit ng coronavirus saliva testing na isinusulong ng Philippine Red Cross dahil mas mura ito kesa swab testing.

“Korek, gawing abot-kaya at abot sa mga local governments. Napakaganda po yung saliva test ng Red Cross dahil sa mabilis siya at mas mura,” pahayag ni Gatchalian sa panayam sa DZRH.

Pino-promote din umano ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng saliva testing bagama’t ang polymerase chain reaction (PCR) test ang confirmatory ng ahensiya.

“Kinilala na pero PCR pa rin yung pinaka-confirmatory. So first step lang yung Red Cross. Pero nakikita ko na pwede na ito sa mga LGU na kailangan ng mabilisan,” sabi ni Gatchalian.

Kaya’t mahalaga din sa gobyerno na pumasok s partnership agreement sa pribadong sektor na may kakayanan na mag-alok ng ganoong uri ng COVID-19 testing process.

“Isang hakbang lang ho ito yung saliva testing pero eventually, importante rin na magkaroon ng mabilis na testing capability. Dahil dito mo lang talaga madi-detect yung virus,” diin ni Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?