89

Mar 14, 2021 @ 21:26
By

Gatchalian sa ‘pagtakbo’ ni Go bilang pangulo: Susuportahan kita!

Ipinakita ni Senador Sherwin Gatchalian ang kanyang suporta para kay Senador Christopher “Bong” Go kung sakaling tumakbo nga ito bilang pangulo sa 2022 national elections.

“Personally if ever he decides to run for president I would support him,” wika ng Senador sa isang press conference sa Legazpi City.

“Sen. Bong Go is a longtime friend and I know he is a good and hardworking man,” dagdag pa niya.

Nilinaw naman ni Gatchalian na personal ang kanyang pagsuporta kay Go at hindi ito nangangahulugang suportado na rin ang Senador ng kanyang partido na National People’s Coalition.

Kaugnay ito sa ‘pagbubunyuag’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa plano umano ng Senador na tumakbo bilang lider ng bansa sa susunsod na taon.

Anang Pangulo, kinausap daw siya ni Go habang papunta sila sa isang event sa Negros Oriental at sinabing gusto niyang maging pangulo.

“When we were on our way here, he said “Please talk to the people, tell them that I want to run for President,” sambit ng Pangulo.

Nilinaw naman ni Go na wala siyang interes tumakbao para sa mas mataas na posisyon sa 2022.

“I am very grateful for the trust given to me by the President. Salamat po sa tiwala pero hindi po ako interesado,” wika niya.

Nito lamang unang linggo ng Marso nang tawagin din ng Pangulo na ‘presidente’ si Go.

“I am not running. Senator Go is quite hard-working. You can read about him in the newspapers anywhere. If there’s a fire, he would go there regardless of where it is. He’s a graduate of La Salle, he has Batangueño roots,” ani Duterte sa isang event sa Cagayan De Oro City.

“Presidente, will you again stand up? et’s see if it fits you. Stand up again,” hirit pa ng Pangulo.

BASAHIN: http:

Duterte tinawag na ‘presidente’ si Go

Roque: Pagkandidato ni Go bilang presidente, joke lang ng Pangulo

Senador Bong Go gustong tumakbong presidente – Duterte

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?