208

By

Gatchalian sa mga bashers: Meron din akong hangganan

Umamin si Senador Sherwin “Win” Gatchalian na nainis siya sa dami ng mga bashers na kumuyog sa kanya sa Twitter nitong Bagong Taon.

Sa isang mensahe sa viber, sinabi Gatchalian na walang nagbago sa kanyang ugali at nasagad lamang siya sa mga batikos ng iba’t ibang netizens kasama na ang trolls.

“Daming nang-iinis e. Matagal na ganyan ugali ko. Wala naman nag-change. Meron din akong hangganan,” pahayag ni Gatchalian sa Abante Tonite.

Nitong Bagong Taon, pinutakti ng mga bashers ang senador matapos siyang makapagbitiw ng “Gago” at “Ulol” sa ilang bashers niya sa Twitter.

Nag-ugat ito nang sa post ng isang Twitte­r user @tr1pnautic kaugnay lumang tweet ng senador na todo papupiri noon kay dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong 2012.

Samantala, pinayuhan naman ni Senador JV Ejercito si Gatchalian na huwag na lang patulan ang mga bashers.

“Bro @stgatchalian, those bashers, haters and rabids make me work even harder! They keep me on my toes! I thank them because I have become a responsible and hardworking Senator because of them,” tweet ni Ejercito kay Gatchalian.

Agad namang sumagot si Gatchalian “Thanks Bro. For 17 years in public service, I only focused on one objective—how to serve the people better every single day.”

Sa nauna ring tweet ni Ejercito, binigyang-diin nito na ang nangyari kay Gatchalian ay patunay lamang na tao lamang din sila na nasasaktan at naaapektuhan at nakatatakot anya kung masanay na sila sa bashing at pag-atake ng mga tinawag nitong rabid haters dahil mistula na silang political robots. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?