32
abante gatchalian
By

Gatchalian sa DOTr: Mag-ingat sa Sumitomo contract para sa MRT

Sharing is caring!

Kahit pabor sa pagkuhang muli sa serbisyo ng Sumitomo Corporation para sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), pinag-iingat pa rin ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Department of Transportation (DOTr) sa kontratang papasukin dito.

Ayon kay Gatchalian, batid niyang respetado ang reputasyon ng Sumitomo at maayos nitong napatakbo noon ang MRT pero kailangang maging mabusisi ang DOTr bago makipagkasundo.

“The DOTr should still exercise prudence in setting the terms of the agreement,” pahayag ni Gatchalian.

Iminungkahi nito sa DOTr na igsian lamang ang kontrata sa Sumitomo para hindi maunsyami ang planong isapribado nang 100 porsyento ang operasyon ng MRT.

“The privatization of the MRT remains to be the most viable long-term option to improve its quality serice. A short-term contract with Sumitomo would be best, so that potential private-buyers will be able to have a free hand regarding future maintenance operations,” dagdag nito.

Pinabalik ng DOTr ang Sumitomo matapos kanselahin ang kontrata sa Busan Universal Rail Inc. (BURI) na bigo umanong patinuin ang operasyon ng MRT na halos araw-araw na mayroong aberya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?