7

Sep 16, 2020 @ 18:44
By

Gatchalian sa DepEd: 2.3M ‘missing’ student hanapin, tulungan

Pinatutulungan ni Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) ang may 2.3 milyong estudyante na hindi nakapag-enroll sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa pagding ng Senate Committee on Basic Education, Arts, and Culture, hinikayat ni Gatchalian ang DepEd na tugunan ang isyu ng mga hindi nag-enroll na mga mag-aaral dahil magreresulta aniya ito sa permanenteng dropout.

“We consider this 2.3 million as dropouts. What we do not want to happen is to have permanent dislocation of children. Instead of studying, they would just permanently go to work,” sabi ni Gatchalian.

Sinabi naman ni DepEd Undersecretary Jess Mateo, na maaaring mag-enroll ang mga ‘missing’ student sa Alternative Learning System ng kagawaran subalit depende pa rin aniya ito sa desisyon ng kanilang mga magulang.

Pinatitingnan din ni Gatchalian sa DepEd ang nakababahalang 30 porsiyentong pagbagsak ng enrollment sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, na ang pagbaba ng enrollment ay dahil sa epekto sa kabuhayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?