47

Mar 13, 2020 @ 17:11
By

Gatchalian microwave ang best friend

Hindi aso, hindi tao kundi microwave ang matalik na kaibigan ngayon ni Senadorinsta.

Sumailalim kasi siya sa self-quarantine matapos makasalamuha sa isang pagdinig sa Senado ang isang taong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sabi pa ni Gatchalian, dahil din sa kanyang pag-iisa ay natutunan niya ang ilang gawain sa bahay.

“Hindi pwede ho [na makisalamuha sa iba], dahil pati ‘yung best friend ko nga ngayon ay microwave eh,” hayag ng senador sa isang panayam sa radyo, Marso 13.

“’Yan ang mahirap ‘pag mag-isa ka eh, actually natuto ako maghugas ng pinggan atsaka maglaba ngayon dahil mag-isa [ako],” wika pa niya.

Bukod kay Gatchalian, sumailalim na rin sa self-quarantine ang iba pang mga senador na sina Nancy Binay, Francis Pangilinan, Panfilo Lacson, Sonny Angara, Juan Miguel Zubiri, Imee Marcos, Bong Revilla at Francis Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?