37

Jan 14, 2020 @ 14:50
By

Gatchalian: Kuwait government dapat managot sa pagpaslang ng OFW

“It’s an insult to our government, an insult to our country and, insult to Filipino people especially to the OFWs who’ve been toiling almost blood, sweat and, tears in the Middle East.”

Ito ang paglalarawan ni Senador Win Gatchalian sa pagtrato ng gobyerno ng Kuwait sa pagkamatay ng overseas Filipino worker na si Jeanelyn Villavende.

Kinastigo ng senador ang Kuwaiti government dahil sa pagkabigo nitong tuparin ang kanilang pangakong magbigay na maayos na labor condition at tiyakin ang proteksiyon sa ating mga kababayang nagtatrabaho doon.

“Kinukuha ang kanilang passport. They are scattered all over the place. They are not protected by employers or corporations, underpaid and, they complain of delayed salaries,” sabi ni Gatchalian.

“I think the fact will state that there was bad faith. We demand the truth and this is not how countries and friends treat each other by giving fake reports”, Gatchalian stressed, insisting that Kuwait’s report is nothing but “garbage”,” dagdag pa nito.

Batay sa autopsy report ng National Bureau of Investigation (NBI), lumabas na inabusong seksuwal at minaltrato ng pisikal si Villavende taliwas sa findings ng forensic doctor ng Kuwait na nagsabing namatay ang Pinay sa physical injuries.

Noong Mayo 2018, lumagda ang Pilipinas at Kuwait ng kasunduan hinggil sa labor reform para sa mga skilled Filipino at household service workers.

Nakasaad sa Memorandum of Agreement na hindi dapat kumpiskahin ng mga employer ang passport at iba pang travel documents ng mga manggagawang Pinoy at dapat payagang gumamit ang mga ito ng cellphones.

Nakalagay din sa kasunduan ang pagpapa-repatriate sa mga distressed OFWs na nangangailangan ng tulong, pag-activate ng 24/7 hotline para sa kanila at pagbuo ng special police unit na aasiste sa Philippine embassy sa pag-rescue ng mga OFWs.

“It is high time to stop these occurrences from happening again and supports call to implement total ban for Filipino household service workers to Kuwait since they are the most vulnerable among workers deployed in the area,” ani Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?