74

Jan 4, 2018 @ 12:28
By

Gatchalian hindi magso-sorry sa pagmumura sa socmed

Hindi hihingi ng paumanhin si Senador Sherwin Gatchalian sa ginawa niyang pagmumura sa Twitter noong Bagong Taon.

Hindi rin siya nagsisisi sa pagsagot niya ng “gago” at “ulol” sa kaniyang nakasagutan dito.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ng senador na mga bayarang “troll” ang kaniyang nakasagutan at matagal na siyang inaasar ng mga ito.

“No. I will not issue an apology,” diin ni Gatchalian.

“These are trolls, these are paid individuals. Some of them are bots, automated. These are paid individuals, robots that are designed to destroy you and to bring out the worst in you,” dagdag nito.

Wala ring balak si Gatchalian na burahin sa kaniyang Twitter account ang ginawa niyang pagmumura.

Haharangin na lang niya ang mga “paid trolls” sa pagpasok o pagsulpot sa kaniyang account.

“Maybe I should use other tools to block these people out or mute these people out. That’s how I want to move forward. But regretting cursing at trolls, I don’t think I will regret that,” pahayag ni Gatchalian.

Nitong Enero 1, nadismaya ang netizens sa pagmura ni Gatchalian sa isang Twitter follower na tumawag sa kaniyang “trapo” at “ingrate” dahil sa pagbalimbing.

Idiniin nito na 17 taon siyang kasapi at hndi kailanman bumitiw sa Nationalist People’s Coalition (NPC) mula noong pumasok siya sa pulitika nung 2001.

Hindi naman umano siya kailanman nakipagmurahan kahit kanino at wala siyang minura sa Valenzuela kung saan siya unang naging alkalde at konggresista. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?