15

May 14, 2021 @ 16:20
By

Gatchalian: Hindi ako nangangampanya sa Facebook, iba pang social media

Itinanggi ni Senador Sherwin Gatchalian na maaga siyang nangangampanya para sa May 2022 elections sa pamamagitan ng Facebook at iba pang social media platforms.

Ayon kay Gatchalian, ang mga impormasyong naka-post sa kanilang Facebook page at iba pang social media accounts are regular posting ng kanyang tanggapan sa kanyang kapasidad bilang chairman ng dalawang komite sa Senado.

“My office has always been consistent in informing the public of my advocacies since I assumed office in 2016 and even prior to that. We make sure that we tap all available media platforms because it is the right of the people to be informed about matters of public concern,” sabi ni Gatchalian sa isang statement.

Batay sa social media platform, nakasaad doon na si Gatchalian, isang reelectionist senator, ay top spender ng FB ads, kung saan gumastos ito ng P4.5 milyon sa pag-romote ng 600 post, ayon sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

Sinundan siya ni dating senador Antonio Trillanes IV na gumastos ng P1 milyon sa pag-promote ng kanyang 45 post at sumunod si dating senador at Antique Representative Loren Legarda na diumano’y ginagamit din ang Facebook bilang campaigning tool.

“My postings on social media are normally simultaneous with our press releases which are related to the two committees that I chair in the Senate — Energy and Basic Education, Arts and Culture Committees,” sabi ni Gatchalian.

“These information are not intended for campaign purposes whatsoever. May eleksyon man o wala, ako ay magpapatuloy pa rin sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko dahil karapatan itong malaman ng bawat Pilipino,” diin pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?