41

Jul 22, 2021 @ 10:46
By

Gatchalian: Delta variant mukhang nakapasok na sa Valenzuela

Pinangangambahan ni Senador Sherwin Gatchalian na posibleng nasa Valenzuela City na ang mas nakahahawang COVID-19 variant na nagmula sa India.

Sa tweet ni Gatchalian, sa nakalipas na apat na araw ay umakyat sa 25 percent ang positivity rate sa kanilang lungsod mula sa 8 percent.

“For the last 4 days, our positivity rates in Valenzuela surged to 25% from a single digit average of 8%,” sambit ng senador. “We think Delta is already here.”

Dahil dito’y nanawagan ang mambabatas sa national government na muling ipatigil ang mass gathering para maiwasan ang pagkalat ng new coronavirus.

“Gov’t should once again suspend gatherings, celebrations & public convergence to slow down the spread of the virus,” wika ni Gatchalian.

Sa huling datos ng City Epidemiology and Surveillance Unit ng Valenzuela, 43 ang bagong kaso ng COVID-19 as of July 21.

Akyat sa 301 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod, habang ang confirmed case ay naitala sa 21,255.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?