30

Jul 16, 2021 @ 18:34
By

Gatchalian bukas sa pagtakbong VP

Bukas si Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa pagtakbong vice president sa 2022 elections.

Ito aniya ay matapos niyang matanggap ang mga panawagan mula sa mga tagasuporta at kaibigan na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon.

Nagkalat din aniya ang mga poster sa Cebu na inilagay ng mga supporter niya, na nananawagan sa kanyang maki-tandem kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Kada poster ay may nakasulat na “Kay Sara, Win Tayo.”

“May mga kaibigan tayo at mga supporter na tinutulak na tumakbo tayo bilang bise presidente. Bukas po ang aking isip dito po sa posisyon na ito. Tayo po ay gumagawa ng mga consultation sa mga kaibigan at sa mga makatutulong ho sa atin,” lahad ni Gatchalian sa isang press conference tungkol sa plano niya sa 2022 elections ngayong Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?