199
Gastusin sa pagpapagamot ng mga biktima ng banggaan sa LRT-2, sasagutin ng LRTA
May 19, 2019 @ 18:07
By

Gastusin sa pagpapagamot ng mga biktima ng banggaan sa LRT-2, sasagutin ng LRTA

Papasanin ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang lahat ng medical expenses ng 34 nasaktang pasahero na biktima ng naganap na banggan ng dalawang tren ng Light Rail Transit 2 (LRT-2).

“We will shoulder the medical expenses of the injured and we will provide all the necessary assistance,” saad ni LRTA Administrator Gen. Reynaldo Berroya nitong Linggo.

Nasa 30 pasahero at 4 na LRT-2 personnel ang nasaktan at dinala sa pinakamalapit na ospital matapos ang insidente.

5 pa ang ginagamot sa ngayon sa World Citi Medical Center at Quirino Memorial Medical Center habang ang iba ang nakalabas na ng ospital.

“We apologize for this unfortunate incident and rest assured that LRTA will seriously look into it,” saad ni Berroya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?