45

Jan 2, 2018 @ 11:47
By

Gastusin sa pagpagamot ng mga naputukan, sagot ng DOH

Hindi umano dapat mag-alala ang pamilya ng mga naputukan nitong Bagong Taon dahil sagot nila ang gastusin sa pagpapagamot ng mga ito.

Sa panayam sa Unang Balita ng GMA 7, sinabi ni DOH spokesperson Lyndon Lee Suy na sakop na medical assistance program ng gobyerno ang gasutsin para sa gastos ng mga naputukan nitong Bagong Taon.

“Meron tayong mga medical assistance program na pwedeng gamitin ng Department of Health sa pagtulong sa mga kababayan na naputukan,” sabi ni Lee Suy sa panayam sa Unang Balita.

Nitong bagong, taon, umabot sa 191 ang nadale ng mga paputok at isa naman ang tinamaan ng ligaw na bala, batay sa talaan ng DOH at Philippine National Police.

Mas mababa ito ng 68 porsiyentio kumpara noong nagdaang taon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?