philhealth
By

Gastos sa biyahe ng PhilHealth OIC, sisilipin ng Palasyo

Sharing is caring!

Sinabi ng Malacañang nitong Lunes na magsasagawa sila ng sarili nilang imbestigasyon hinggil sa naging paggastos sa pagbiyahe ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) officer-in-charge Celestina Ma. Jude Dela Serna na naiulat na umabot ng P600,000.

Sa lumabas na Commission on Audit (COA) reports, nakita na gumastos si Dela Serna ng P627,000 para travels at hotels noong 2017 sa kabila na lugi ang ahensiya ng P8.92 bilyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, prayoridad ng Pangulo na linisin ang hanay ng PhilHealth.

“Prayoridad po talaga ng Presidente na magbigay nu’ng universal health care at talagang kung hindi po malilinis ang hanay ng PhilHealth, hindi po magkakatuparan itong universal health care,” sabi ni Roque.

Samantala, nauna nang idinepensa ni PhilHealth spokesperson Israel Francis Pargas ang naging paggasta ni Dela Serna, at sinabing pinayagan ito ng PhilHealth board at may dokumentong susuporta pa rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?